![]() |
Cazki's Home On Cyberspace |
![]() |
Cazki's Album ����%nbsp Anime Gallery ����%nbsp BunchOfStuffz ����%nbsp WriteUpz |
Forum ����%nbsp View Guestbook ����%nbsp Sign Guestbook |
writeup#1 ���� writeup#2 ���� mainpage |
"Awit Para Sa Kanya" Simpleng tanong lang na siguradong masasagot niyo. Sobrang simple makakasagot ka na hindi man lang nag-iisip. Alam niyo kaya kung ano ang tinutukoy ko? Eto yung sitwasyon na ang gaan gaan ng inyong pakiramdam. Mga sandaling kakaiba ang ihip ng hangin na kung saan hindi mapalagay ang inyong sarili. Yugto sa ating mga buhay na kung saan kadalasang tulala at nakangiti sa isang sulok ng daigdig na para bang nakalutang ka sa ibabaw ng lupa. Masaya at buhay na buhay sa tuwing maaalala na ikaw ay nasa kalagayang ganito. Sumagi na ba sa inyong mga minds kung ano ang gusto kong iparating? Sige na nga, hindi ko na patataglin? Ikaw ba ay na-in love na?! Ano?! Hindi ko marinig.. Hah?! Oo?! Talaga?! Buti naman? Sino bang hindi?! Eto ang siyang tunay na nagpapataba ng ating mga puso, ang pinakapagkain ng ating kaluluwa, at mortal na kaaway ng ating mga isipan. Ang magmahal? Sa tuwing ikaw ay nakakadama ng ganito para bang ang lahat ay kaya mong gawin, Lahat ng sinimulan na gawain ay kayang tapusin, Yung walang makakaawat sa iyo, Parang gusto mong baguhin ang lahat ng hindi maganda sa iyo, Yakapin lahat ang makasalubong mo sa daan at ipagsigawan na ikaw ay umiibig! "Ang saya-saya!!" ika nga.. Kaya lang? (Ayoko sanang sirain ang magandang simula ng pangungusap ko ngunit eto talaga ang pakay ko kaya ko sinulat ito.. Pasensya na..) Ang pangalawang tanong? Paano kung..?! kaya lang ano?! Ano ba talaga?! Sabihin ko na ba?! Napakasakit pero sabi ng iba "Kailangan eh?" "Baket di siya badtrip?!" Ngek!! May sumingit?! Huummm?.? Paano kung hindi ka mahal nung taong nagpatibok ng iyong puso? Isang malaking OUCH!! Para kang nabagsakan ng meteor na ikaw lang ang tinaman.. Ang sakit, durog lahat magmula bumbunan hanggang talampakan pati kasuluksulukan ng buo mong katawan.. Ano kayang gagawin mo? Aba huwag niyo akong tanungin at kadalasan hindi ko din malaman ang gagawin pag ako ay nasa pagkakataong ganyan.. (Eto tissue o? umiiyak ka na ata? may naalala kang kung sino?) Dito nag uusbungan ang mga tanong "baket ko siya mahal kahit alam kong hindi niya ako magawang mahalin?". Oo nga naman, kahit sa akin isang palaisipan yan.. Yung mahal mo hindi ka mahal, tapos may nagmamahal naman sayo e hindi mo naman mahal. Ang gulo noh?! Ano kayang gustong palabasin ng buhay at eto ang kadalasang nangyayari sa ating paligid? Bakit kailangang masaktan? Para tumibay at tumatag ang pagkatao natin? Bakit hindi nalang sa ibang paraan? Ang hirap sapagkat minsan ka nalang makakaramdam ng ganito, hindi pa pwede, hindi pala para sa iyo.. Parang "it feels so right.. yet so wrong..". Hindi mo naman pwedeng lokohin ang sarili mo dahil alam mo ang nararamdaman mo. Hindi ka naman pwedeng magsinungaling sa dibdib mo dahil alam mo ang katotohanan na mahal mo siya. Talaga naman pag pinaglaruan ka ng tadhana halos mababaliw ka na. Nandiyan yung sasabihin mo sa sarili mo na lilipas din yan, mawawala din ito. Pero kailan? Paano mo gagawin na mawala yung wala kang matatamaang iba? Nahulog ka na, hindi ka pa sinalo, hinayaan ka pang nakahiga sa lugar na iyong pinagbagsakan, at tuluyan kang nilisan. May mas gragrabe pa ba diyan? Wala ka namang magagawa, kahit na anong pilit mo, kahit ipakita mo na mahal mo talaga, may mga taong pag sinabi nila na hindi ka nila kayang mahalin, hindi talaga. Hirap ipagpilitan ang hindi maipipilit. Dadaan ka sa butas ng karayom, e alam mo naman na hindi ka kakasya dun. |
![]() |
You feel she's/he's the one. You need him/her or your life would be meaningless. It's going to be empty.. I undertand what you feel.. Even I, myself, have encountered this kind of things. I remember a friend once told me.. "Ok, you love her, but she doesn't? you must accept it. If you do, It's going to be alright and you can move on once again. If you don't, you are stuck in a mudhole, you're not gonna grow up.." Damn! She's all I've ever wanted, nobody else. I know I never going to love someone the way I love her. Then, there's nothing I can do about it. I've tried everything just to win her eventhough I know from the very start that I've already lost her. Kailangan tanggapin. Talagang masakit. Sino bang may sabi na napakadali? Ibigay mo man ang lahat mas madalas na hindi natuturuan ang puso. Mas matigas pa ang ulo nyan kesa sa isipan e.. Sabi ng bestfriend ko (May bestfriend pala ako?!) "you have to take the risk kungdi walang mangayayri sayo. Masasaktan ka, kasama talaga yon." Kaya sa mga madalas, minsan, o hindi pa, naiin-love dyan? Sana may napulot naman kayo dito. Just keep on searching, keep on loving.. Hindi mo naman kasi malalaman kung siya talaga kung wala kang gagawing aksyon. Huwag agad susuko, pero kung kailangan na.. accept it and let go of the feeling. At least you can tell to yourself na tao ka dahil nagmahal ka. Yon ang importante. Kahit ako hanggang ngayon walang kadala-dala.. Ewan ko nga ba at lagi akong nagkakagusto sa mga taong ayaw naman sa akin.. Til' next time mga kids? hanggang sa muli? paalam! (Uuyy?! sino yon?! Wow!! Ang ganda nya parang anghel. tinamaan ata ako? malapitan nga ng malaman ang pangalan?) peace sa lahat.. mahal ko kayo!! (Nakanang!! Yiieeehhiiieee!!) "Know that the pain will pass, and, when it passes, you will be stronger, happier, more sensitive and aware." "Better to have loved and lost than never to have love at all." "You never lose by loving, instead you always lose by holding back." |